Tuesday, December 16, 2008

Dito sa Veranda

Habang lumalalim ang gabi,
Lalong hindi mapakali
Masilayan lang ang iyong ngiti
Ikaw ay hihintayin anumang sandali.

Kung mga tala lamang ang tanging tanglaw,
At ang gabi'y lalong mapanglaw,
Hinihintay na ikaw ay matanaw
Pagkat sa aking puso, laman ay ikaw.

Dito sa veranda ako ay nakatunghay
Kahit mga mata ay tumatamlay,
Kalaban ma'y antok, diwa ay binubuhay,
'Pag di ka nasilayan, ako'y malulumbay.

Ligaya ka ng buhay ko
Ikaw ang tibok ng aking puso
Matagal nang ramdam ito,
Puso ko'y sadyang binihag mo.

Nagkasya nalang sa pagtingin
Pagkat imposibleng ika'y mapasaakin,
Langit at lupa man ang agwat natin,
Pag-ibig mo'y dinadalangin pa rin.

Nakaupo hanggang bukang-liwayway
Dito sa veranda ako'y nakaantabay
Sa iyong mga ngiti, bati at kaway
Aking pag-asa ay nagkakaron ng kulay.

Dito sa veranda ako'y liligaya
Pagkat dito tayo madalas magkita.
Dito sa veranda kita hihintayin,
Nang ang iyong puso'y mapasaakin.

Dito sa veranda... Ligaya...

2 comments:

Nica said...

Liked this one a lot. We don't have a veranda.

Hjalmar Desquitado said...

hehe thanks..